by bebang -'96
Ang Unang Bahagi...
Dear Lola,
hi! what's up, ketchup? sana ayos ka lang kung saan ka man naroroon.
sa susunod wag na kayong maglalayas, ha? tinangay ninyo pa pati
yung panty ni kuya bogart. kami? ako, ayos lang! si lolo, miss na
miss ka na. 'nga pala, sabi niya sorry daw k'se yung tape mong metallica
nasagasaan habang nagro-roller blades sha. papalitan na lang daw
nya ng tape ng panteyra. change topic. alam mo, 'la, kahapon nagkaroon
ng reunion ang daffodil '95 at callalily '96 sa pcu! nung umaga
bago 'ko nagpunta, nabasa ko sa jaryo si charity, d 1st woman na
nakapagpatayo ng bahay sa pluto. shocking 'no! tapos nabasa ko rin
na lumipad na pala papuntang bermuda triangle si noemi 4 d ms universe
title, sakay sha ng plane ni kerwin na isa nang businessman at ang
pilot si aldrin. heavy 'no! etong mas mabigat, sa wakas, after 10
years si sergio, nakalaya na. ingat ka 'la, manyak pa rin yon sigurado.
remember nakulong sha non bcoz minanyak nya yung ka2long nilang
si manang menin. ang lawyer nya pa nga eh si kate na isa ring vocalist
ng bandang "MADONNA." tsk... kinuha ni lolo yung jaryo kaya binuksan
ko na lang yung tv.
wow! newscaster na pala si jenny. sabi nya si red daw na2lo ng gold
sa karate sa vietnam. tapos biglang nag commercial. teka.... si
sang2 yun ah! aba! model pala sha ng so-en. ang itim pala ng pusod
non, in short, malibag (hihihi) kaya ikaw, lola, lagi mong lilinisin
ang pusod mo para hindi nakakahiya pag nag-hanging shirt ka ha!
Ang Pagpapatuloy...
tapos paglipat ko sa channel 471, si katz naman ang newscaster.
sabi niya: postponed daw ang hearing ng kaso ni barry k'se me konsherto
daw si atty. siaron sa club dredd. oo nga pala,lola, si barry yung
pumatay sa masungit na librarian ng pcu noon. tapos ay magkasunod
na pinalabas ang trailers ng movie ni lady lee na "tambok" at ni
camille liit entitled "maga." nilipat ni lo2 sa beergada shete at
nasilayan ko ang jessica sojo ng pcu na si michelle. nireport naman
niya na postponed na2man ang hearing 4 d still mysterious vizconde
massacre case dahil binyag ng 2nd apo ni jessica alfaro. one of
d ninangs si d "crying lady" engr. petalver (o, di ba bongga) tapos
nag-ya2 si lo2 sa euphoria eh kaso nga me reunion. hinatid ko na
lang sha tapos derecho na ako sa school. pagdating ko do'n, nanibago
ako. pati pangalan kasi - iba na. "pcu-super-duper great school.
meron na shang 15 carpeted floors at sa roof top ay ang gym na na-ba2-kuran
ng barbed wire para daw hindi magamit ng estudyante. ang nagdesign
no'n ay si architect homo-jimenez. binarat pa nga daw sha ni ma'm
solis (d new directress!).
oo nga pala, lola, sa cr ginanap yung reunion para raw walang away
sa kung saang room magse-celebrate. unisex naman yung cr doon eh.
chaka napakalaki k'se nagkasha kaming lahat tapos me olympic sized
swimming pool pa sa loob. (hindi inidoro yun ha?) pagpasok ko nga
eh nakita ko agad si ammie na isa nang dentist at ang husband niyang
si leohmar na owner ng funchum na nagtatampisaw sa pool. lola, alam
mo kahawig mo si ammie pag naka-swim suit (hehehe). nakita ko rin
si jane na isa nang cpa, si oscar na pumalit kay mr. gamboa, at
si consorcia na president ng fans club ni joey. nag-aaway sila dahil
sa isang hello chocolate (yes! yun ang handa namin!) si joey nga
pala ay may bagong movie. "bitesize" ang title. kasama nya ang wife
nyang si chem. engr. mapagu and their baby - joeyyoj (di kaya alien
'to?) kachikahan naman ni joy si dots na isang teacher sa u.p.(sha
ang nagdonate ng handa).
Ang Wakas...
si dr. ricaforte naman ay kausap si rafael na kinuha
ng NBA para sa
chicago red bulls team dahil sa height nyang 7 feet 11 and 3/4 inches
(siguro nagpa2-2-ro si ruth kung paano tumangkad) katabi naman ni
raf ang ibang TB ('kala ko nga sa2yaw dahil pare2-ho ang shirt nila:
me muka ni balingit sa harap). si josepn na isa nang businessman
(sha ang me ari ng mga kalesa sa ongpin), si engr. borre na commercial
model rin ng ZEBO DE MACHO, si resty na isa nang basketball team
owner: d ponkan team, si albert na isa nang artist. dnala nya yung
masterpiece nyang "penelope", ang unang painting sa mundo
na wallet size ang laki, at shempre si architecture espaldon, ang
nagdesign sa bahay ni ela at cocoy na parehong physical therapist.
nakita ko yung mag-asawa sa tabi ng pool. hinuhugasan ang pwet ng
baby nilang si colannie. pagtingin ko sa isang sulok, 'kala ko me
bisita kaming kambal. nakatalikod kasi sila cruzette at leah tapos
yung buhok nila pareho pang kulot at hanggang sakong. inimbitahan
nga ako sa opening ng clinic nila sa megamall: MATH CLINIC. ang
magbe-bless ay si cardinal arvin. nagkakantahan naman ang mga karaoke
gurls namely: dr. mangalindan (directress ng BANGON rehabilitation
center), katz at si lotz na isang businesswoman (ang pangalan ng
business nya ay "ANG MANI NI LOTI") me branch sa quiapo,
tondo, divisoria, baclaran & soon to open in ongpin k'se dun
dating nakatira ang asawa niyang businessman na intsik na si quiroga.
sayang nga at wala si jorele na isa nang bisayang pastora. wala
rin si jem dahil nagpopromote ng latest single nya na "SUKLAYIN
MO, BABE." si dr. de vera naman ay nasa center stage at ka-duet
si regine. sa isang sulok ay nagche-chess sila anthony, engr. pulmano
(part time cosmetologist, also taxi driver), si adin at si computer
engr. eduarte. gwapong-gwaqpo (gwark!) namang dumating si emeng
na isa nang commercial model ng CLOSE-UP, sa radyo nga lang ni-la2-bas.
lagi ngang pine-play yun ng wife nyang si aprille na part time radio
announcer din. ang na-ka2-gulat eh may baby sila eh di ba baog si
emeng? (siguro nagsayaw sila sa ubando) ang name ay Eymril (ngo2
talaga ang ama 'no!) nagsi-swimming naman si dr. demet na isang
veterinarian at me ari ng LUIJI de ARYET-2-come dog shop sa cotobato,
si nestor na isa nang computer scientific (imagine yung 2 naka maong
na trunks! wow! macho!) at si sang2 na napakasexy dahil naka-2 piece
(kita ang maladuhat nyang pusod!).duguan namang dumating si mckee
na member ng SWAT team. wak2 ang chan at nakalabas na ang esophagus
(ala capt. john smith) pero mukang malakas pa rin k'se balita ko
nakakapaghabulan pa sha ke pocahontas at nakipag-inuman pa ke evelyn.
tsk...tsk...tsk... magkasama namang gumugulong na pumasok sila lizbeth
na dentist from u.p. (part time cheer leader ng ponkan team!), si
engr. guy (ang massacre queen)(bakit kaya?)at si dr. vicente.
cool na cool namang pumasok si dr. "elly belly" daisog
(naka-chuck taylor pa ang tanda2 na!) at si sarelyn. nagsusubuan
naman ng (ano?) HELLO sila jeremy na commercial model ng TAWAS breath
freshener sa radyo at si leah banzuela na isang businesswoman (something
in common?). nakita ko namang nagpapadamihan ng push-ups sila casquite
at analyn (!?!) na parehong nasa rp volleyball team (sey mo, lola?)
tapos nakita namin sa telescope (courtesy of evelyn) na me airplane
na naglanding sa roof top at iniluwa ang trusted friend kong si
eris. naka-gown sha, made of gold (mabigat yata yon ah!) at me dalang
100 black forest cake. sha nga pala ang owner ng marikintosh computer
company. tapos
ba naman nag-umpisa ng food fight si kerwin! ba-2-han ng icing.
nakita ko nga si borre lumilipad. napagkamalan sigurong chocolate.
grabe talaga! ang saya2 kahit na kinagat kami ng mga red ants na
kasing laki ni oscar. pero marami rin ang absent sa reunion. si
jerry na lt. col. ng pr at ang mandirigmang si michael ay nasa france
para sa nuclear war. wala rin si chrisalisse (ang nag-iisang birhen
sa calla!) dahil nasa agoo pa at lumuluha ng dugo don. wala rin
si hermis dahil me shooting sa hollywood for his latest movie "SPEED
part XLIV".
11:59 semi-midnight na ako nakauwi. hinatid pa nga ako ng kalesa
ni
joseph. si lo2 ang kapal, biruin mo nagpahatid pa sa shota nyang
mananayaw, si pepay (ka-age ni eymril!)
hay! buti pa
sila puro successful na. ako? eto, successful security
guard sa HORFILLA's department store. may isusumbong ako sa 'yo,
si kuya bogart suctomer ni sergio! suot nya pa nga yung black
micro-mini skirt mo nung nagdate sila sa paco park. pagalitan
mo ha! mang-aagaw eh! ahas!
grrr...
o sige na na-bye
na! PAALAM (nax!)
love,
bebang
-kaiyak
noh?!
-courtesy of Sir Angel Alfonso